Dear future husband,
hello? Alam kong hindi pa natin alam na tayo pala talaga sa future. Wala akong idea kung sino ka. Hindi ko alam kung kilala na ba kita, nakakasalubong na, nakakasabay o baka nasa tabi-tabi ka lang.. sa mga oras na 'to wala akong kausap.. hindi ko naman minamadaling makilala ka pero gusto kong malaman mo na kasama ka lagi sa mga prayers ko.sana mas mahal mo si Lord kesa sa lahat ng bagay. Alam mo ba si Lord nagsabi sakin na mag Doctor ako pero sa ibang path ako napupunta haysss. sana talaga maging Doctor ako. BS psychology kasi kukunin ko sa College sa FEU Cav ako mag aara skl.. Ikaw kaya?? anong kukunin mong kurso? galingan mo ah, para sa future! masyado pa akong bata para isipin ka. hahahahaha Sana ngayon nag-aaral ka munang mabuti, mas bet ko kung ikaw yung tipo ng taong mas savage ang grade kesa pasavage sa mga pictures. I hope na may maganda tayong future.. Simpleng tao lang ako, too plain too be liked para sakin hindi pa ako pala ayos sa lagay na to.hahahaha tuwing may event lang. Ano kayang first Impression mo sakin?
Sana mahilig ka sa food trip para magkasundo tayo gusto ko kasi yung magana kumain,hope u watch horror and thriller movies at hope you're LOYAL, sweet and kind. I hope that you appreciate all kinds of music. All genre ganon.. kantahan mo ko sa phone ha hehehe kahit panget bosees mo ok lang at appreciate me, wag mo ko icocompare sa iba dahil iba ako. LITERAL as in weirdo. btw, do you love moon? star gazing tayoo sa future. how about breakfast date after mag jog?? hehehe Travel tayo ah? sa Rome para makita yung Colosseum, Japan para sa gudetama at cheery blossoms saka yung lugar sa kiminonawa, Thailand para sa sky lantern festival every November, Hongkong Disneyland para sa mga rides, santorini Greece, Bali Indonesia, Maldives at kung saan-saan pa....
Alam mo minsan parang gusto na kita makilala agad, pero naiisip ko baka hindi pa talaga ito yung tamang panahon. Baka siguro kaya wala ka pa para icomfort ako at alagaan eh baka busy ka tapos busy den ako. ayaw ni Lord maabala tayo hahahaha. basta may dahilan yan. Baka nga siguro may iba ka pang jowa ngayon or baka nag momove-on ka pa sa iba..Sana kung may lungkot at pain man jan sa puso mo ay mawala at matapos na.. kung maiinlove ka man sa susunod sana sakin na, ayoko na sanang dumaan ka pa sa iba.. kaso di naman ako ang may hawak ng mundo. may sarili tayong mga desisyon na nakaka apekto sa buhay natin.. mag ingat ka nalang lagi, magtiwala ka sa sarili mo at pray lang, stay positive kumain ka ng repolyo.
Pag nabasa mo na to, edi mabuti hahaha simple lang tayo sa future ah. Nanay at Tatay lang tawag ng magiging anak natin satin para cute tapos mag pipiknik tayo at magpapalipad ng saranggola. mag-aalaga tayo ng mga aso. husky, golden retriever at shempre askal. Sabay tayong mag woworship kay Lord. Alam ko na hindi magiging perfect ang relasyon natin pero kahit ganon sana walang bibitaw, walang iwanan, walang susuko... Sana ikaw na ang pang habang buhay ko.. See you soon Future Husband! I love you in Adavance <3
love,
your future wife.
rhsmch